Panukalang naglalayong hatiin sa 3 bagong probinsya ang Palawan lusot na sa Senado  

0
57

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang House bill 8055 o ang panukalang naglalayong hatiin sa tatlong bagong probinsya ang Palawan.

Sa botong 14 – 1, inaprubahan ng senado ang paglikha ng Palawan Del Norte na bubuoin ng mga munisipalidad ng Coro, Culion, Busuanga, Linacapan, Taytay at El Nido;

Palawan Oriental na kinabibilangan ng mga bayan ng Roxas, Araceli, Dumaran, Cuyo, Agutaya, Magsaysay, Cayancillo at San Vicente;

At Palawan Del Sur bilang mother province na bubuuin naman ng mga munisipalidad ng Aborlan, Narra, Quezon, Rizal, Espanola, Brooke’s Point, Bataraza, Balacbac at Kalayaan na nasa bahagi na ng West Philippine Sea.

Dadaan pa sa bicameral hearing ang nasabing panukala at magsasagawa pa ng plebisito sa mga apektadong residente sa 2020.