Monday, May 6, 2024

Epekto ng 6-day ‘truck holiday’ sa Metro Manila halos hindi mararamdaman — PPA

- Advertisement -

Tiniyak ng Philippine Ports Authority (PPA) na halos hindi mararamdaman ang epekto ng anim na araw na “truck holiday”.

Ayon kay Jay Santiago, general manager ng PPA, nasa 80 hanggang 90 porsyento pa rin ng mga trucker ang kukuha pa rin ng mga kargamento kaya’t wala halos magiging epekto ang nasabing pagkilos ng ilang grupo ng truckers.

Kahapon, sinimulan na ng Inland Haulers and Truckers Association ang kanilang protesta upang ipahayag ang kanilang pagtutol sa panukalang i-phase out na ang mga truck na labing limang taon pataas na ang tagal.

Nasa 100 truck at mga pribadong sasakyan ang umikot at bumusina kahapon ng umaga mula sa pantalan ng Maynila hanggang sa opisina ng PPA.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img