Panukalang magbibigay-kapangyarihan sa DOH para magtakda ng bed capacity sa mga ospital lusot na sa Kamara

0
21

Aprubado na ng Kamara ang panukalang magbibigay ng kapangyarihan sa Department of Health (DOH) na magtakda at magpasa ng bed capacity at service capability sa lahat ng ospital ng gobyerno.

Layon ng naturang panukala na mapabilis ang proseso sa mga ospital at mabigyan ng dekalidad na serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayang Pilipino.

Ayon kay house committee on health chairman Angelina Tan, papayagan lamang ang DOH hospital na magtaas ng bed capacity sa pamamagitan ng batas na naipasa sa Kongreso.

Magugunitang aabot sa 70 ospital ang kabuoang pinangangasiwaan ng DOH.