Baguio City – Kamakailan lamang, ang opisyal ng lungsod ng Baguio ay kanilang sinusuportahan ang panukalang pagiging Integrated School ng Lucban Elementary School sa pamamagitan ng pagpapalawak nito.
Sa isang resolusyon, sinabi ng lokal na mga mambabatas na ang pagiging integrated School ng Lucban Elementry School ay makatulong sa kabuan ng mabisang pagkakatuto sa pamamagitan ng kaaya-ayang silid paaralan, pinagaling na pasilidad at gamit at ang pagbabawas ng mga tauhan nito.
Ang desisyon ng konseho na pangalagaan at itaguyod ang karapatan ng mamamayan sa de-kalidad na edukasyon sa lahat ng antas upang sa ganon ay maabot ng lahat ng mamamayan ito.
Bilang karagdagan ang pagiging integrated school nito ay naglalayon na gawin ang junior high school na maabot ng mga nagnanais na mag-aral dito at mabawasan ang sobrang dami ng pumapasok sa mga pinakamalapit na junior high schools sa lungsod at kalapit ng mga barangay. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)
(Source: PIO Baguio)
