Panukalang dagdag-hazard pay sa mga frontliners isinusulong ni Lacson

0
26

Isusulong ni Senador Panfilo Lacson ang panukalang dagdagan ang ibinibigay na hazard pay para sa mga nagsisilbing frontliners sa pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito’y sa sandaling hindi ito mapasama sa mga ilalatag na hakbang ng malakaniyang kaugnay sa pagbibigay ng karagdagang pondo para sa ayudang ibibigay ng pamahalaan sa mga apektado ng nagpapatuloy na krisis pangkalusugan.

Inihayag sa DWIz ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson, kabilang sa mga mabibigyan ng dagdag na hazard pay at health insurance ang mga doktor, nurse, health workers gayundin ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

‘Yan ‘yung isang sinuggest, extra hazard pay at health insurance, dahil sila ang naka-expose sa virus,” ani Lacson.

Dagdag pa ng senador, sinimulan na aniya nilang talakayin ang nasabing panukala noon pang araw ng Biyernes kaya’t naniniwala siyang lahat ng kanilang napag-usapan ay mapagkakasunduan. —sa panayam ng Usapang Senado