Duque negatibo sa COVID-19 —DOH usec

0
20

Nagnegatibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Health Sec. Francisco Duque III.

Ito ang inihayag ni Department of Helath (DOH) Maria Rosario Vergeire matapos lumabas ang resulta ng isinagawang pagsusuri sa kalihim.

Kasalukuyang nakawork-from-home si Duque matapos na magpasya itong sumailalim sa 14-day quarantine bilang bahagi ng protocols.

Sinasabing nagkaroon ng contact si Duque mula sa isang director ng DOH na nagpositibo sa COVID-19 sa nakalipas na mga linggo.

Dahil dito, tiniyak ni Vergeire na hindi naman napababayaan ng kalihim ang kaniyang tungkulin sa kagawaran dahil tuloy aniya ang pagtatrabaho nito at pagbabantay sa kanilang operasyon.