28.7 C
Manila
Monday, April 15, 2024

Panukalang Charter Change lusot na sa Kamara

- Advertisement -

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang draft Federal constitution o Charter Change.

Sa botong 224 yes, 22 no at 3 abstain, lumusot ang resolusyon na naglalayong palitan ang kasalukuyang 1987 Constitution.

Sa ilalim ng Federal Charter, magiging apat na taon na ang isang termino ng mga halal na opisyal kabilang ang kongresista, senador, pangalawang pangulo at presidente.

Ang Pangulo ay maaaring muling iboto sa ikalawang termino habang aalisin naman ang term limit sa iba pang opisyal. Nakasaad din na dito na kailangang college graduate ang mga tatakbo sa pagka kongresista, senador, bise presidente at pagka Pangulo.

Ang running mate naman ng mananalong Pangulo ang awtomatikong magiging bise presidente.

Nakatakda ring gawin sa ilalim ng bagong Saligang Batas ang two-party system na paiiralin sa bansa at mananatili ang presidential form ng gobyerno.

Gayunman, ang Kongreso ang magpapasya sa pagbuo ng Federal states.

Ang mababang kapulungan ay bububuin ng hindi bababa sa tatlong daang kinatawan samantalang manananatiling ihahalal ang mga senador tulad ng sa party list.

Inalis naman sa inaprubahang panukala ang pagbabawal sa political dynasty.

(Ulat ni Jill Resontoc)
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -