Panukalang batas na lilikha sa kauna-unahang space program ng bansa aprubado na sa huling pagbasa sa Kamara

0
55

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na lililkha sa Philippine Space Agency para sa kauna-unahang space program ng bansa.

Layunin ng panukala na makapaglatag ng framework para sa primary strategic road map ng bansa upang maging isang space-capable sa susunod na 10 taon.

Umani ang House Bill 8541 o Philippine Space Development Act ng 207 boto at walang mambabatas na kumontra at nag-abstain.

Kabilang sa tututukan ng space policy ang national security and development; hazard management at climate studies; space research and development; space industry capacity building; space education at awareness maging ang international cooperation.

Sa oras na isabatas, ang philsa ay magiging attached agency ng Department of Science and Technology (DOST) na mag-oopisina sa Clark Special Economic Zone sa Pampanga at Tarlac.