Pansamantalang pagsuspinde sa GCTA ikinukunsidera

0
45

Ikinukunsidera ng Department of Justice o DOJ ang pansamantalang pagsuspinde sa Good Conduct Time Allowance o GCTA ng mga inmates.

Ito ay kasunod ng mga batikos sa posibleng paglaya ng convicted rapist at murderer na si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, sinusuri ng ahensya ang polisiya ng GCTA na siyang pagbabatayan para sa paglaya ni Sanchez at ng mahigit 10,000 inmates.

Matapos anya ang pagsusuri, ang bagong polisiya na ang pagbabatayan ng Bureau of Corrections o BuCor sa pagpapalaya ng mga kwalipikadong preso.

Dagdag pa ng DOJ official, magkakaroon ng epekto ang suspensyon ng GCTA ngunit bibilis naman ang proseso ng paglaya ng mga kwalipikadong preso kapag nagkaroon na ng bagong guidelines.