Isang lalake arestado dahil sa droga

0
46

Isang lalake ang arestado matapos makitaan ng droga sa Makati City.

Kinilala ang suspek na si Christopher Bamanglag, 38 anyos, residente ng Barangay South Cembo ng naturang lungsod.

Batay sa report ng Makati PNP, una nang nasita si Bumanglag matapos magsumbong ang mga kapitbahay nito dahil sa pagdadala ng patalim.

Natuklasan din ng mga pulis na may dala rin itong isang maliit na sachet ng shabu nung kapkapan nila ito.

Nahaharap naman si Bumanglag sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Illegal Possession of Bladed Weapon.