Panibagong ulat na na-ospital si Pangulong Duterte itinanggi ng Malakanyang

0
47

Itinanggi ng Malakanyang ang ulat na muling ]na-confine o nagpa-check-up si Pangulong Rodrigo Duterte sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nasa Palasyo lamang si Pangulong Duterte at pumipirma ng mga dokumento.

Sa katunayan anya ay nakausap niya ang punong ehekutibo subalit wala naman itong binanggit kung nagtungo o hindi sa ospital.

Oktubre noong isang taon nang pasinungalingan ng Palasyo ang kahalintulad na ulat subalit kalauna’y inamin ng pangulo na nagtungo siya ng ospital upang magpa-check-up.