Canvassing ng mga boto inaasahang matatapos na ngayong araw

0
81

Inaasahang matatapos na ng National Board of Canvassers o NBOC ngayong araw ang  canvassing ng mga boto para sa 2019 midterm elections.

Mula sa 167 Certificates of Canvass o COC, 162 na ang nabilang ng NBOC.

Hinihintay pa ng Commission on Elections ang nalalabing 1 million 683 thousand 938 votes  mula sa lalawigan ng Isabela; Washington, New York, San Francisco at Los Angeles sa U,S;

Osaka at Tokyo, Japan; Riyadh, Al-Khobar at Jeddah, Saudi Arabia at Abuja, Nigeria.

Samantala, nangunguna pa rin sa bilangan si Re-Electionist Senators Cynthia Villar, Grace Poe, Bong Go, Pia Cayetano, Ronald “Bato” Dela Rosa, Sonny Angara, Lito Lapid;

Imee Marcos, Francis Tolentino, Koko Pimentel, Bong Revilla, Nancy Binay habang pang-13 si JV Ejercito na sinundan ni Bam Aquino at Jinggoy Estrada.