Sunday, April 28, 2024

Panibagong oil price rollback nakaamba bukas

- Advertisement -

Asahan na ang panibagong bigtime oil price rollback sa Martes, Disyembre 4.

Dalawang piso at sampung sentimos (P2.10) ang tapyas presyo sa kada litro ng diesel habang dalawang piso (P2.00) sa kada litro ng gasolina at kerosene o gaas.

Unang nag-anunsyo ng rollback ang kumpaniyang Shell na sinundan naman ng Petro Gazz, Caltex at PTT Philippines.

Gayunman, buena manong magtatapyas ng kanilang mga produkto ang kumpaniyang Seaoil ngayong araw.

Ito na ang ika-walong sunod na linggong magpapatupad ng rollback sa presyo ng kanilang mga produkto ang mga oil company.

Magugunitang nagpatupad din ng tapyas presyo sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) ang Eastern Petroleum ng anim na piso at limampung sentimos (P6.50) kada kilo o katumbas naman ito ng pitumpu’t isang piso at limampung sentimos (P71.50) sa kada 11 kilogram na tangke ng LPG, simula noong Sabado.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -