Monday, May 13, 2024

2 patay sa sunog sa Zamboanga City

- Advertisement -

Dalawa ang patay matapos masunog ang isang residential area sa Zamboanga City.

Kinilala ang mga nasawing sina Rico Turco Vidal, 36-anyos at kasama nitong si Tubio Maningo, 51-anyos, kapwa residente ng barangay San Jose Gusu.

Ayon kay Zamboanga City Fire District Marshal, Supt. Jhufel Brañanola, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Marilou de la Cruz Johnston Street, kahapon.

Pitong beses anyang sinaksak ni Vidal si Maningo sa hindi pa mabatid na dahilan bago silaban ang bahay ni Dela Cruz.

Nasugatan naman ang isang bumberong si FO2 Ryan Batayen matapos bagsakan ng debris.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog at tinatayang 1.3 milyong piso ang halaga ng mga napinsala o natupok na ari-arian sa sunog na naapula dakong tanghali.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -