Monday, April 29, 2024

Panibagong oil price hike kasado na bukas

- Advertisement -

Buena manong magpapatupad ng oil price hike ang Shell Philippines simula bukas ng alas-6:00 ng umaga.

Sa anunsyo ng Shell, epektibo simula bukas ang 65 centavos na taas presyo sa kada litro ng gasolina, 10 centavos sa kada litro ng diesel at 10 centavos sa kada litro ng kerosene.

Inaasahan namang susundan ng iba pang kumpanya ng langis ang dagdag singil na ipatutupad ng Shell.

Ito na ang ika-pitong sunod na linggong magtataas ang presyo ng langis sa lokal na merkado kung saan, pinakamataas dito ay sa gasolina.

Ayon sa Department of Energy (DOE), ang pagsasara ng ilang refinery sa Asya para isailalim sa maintenance shutdown ang siyang dahilan ng pagsipa sa presyo ng langis sa world market.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -