11 tripulante nailigtas ng PCG sa lumubog na fishing boat sa Cebu

0
44

Na-rescue ang labing isang (11) tripulante matapos na lumubog ang sinasakyang fishing boat sa Cebu.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Cebu Commander Lt. Cmdr. Alvin Dagalea, hindi kinaya ng naturang sasakyang pandagat ang matataas na alon sa karagatan sa pagitan ng Olango at Caubi.

Agad na idineploy ang BRP Panglao para magsagawa ng seach ang rescue operations sa lugar.

Dinala naman sa Hilton Port sa Lapu-Lapu City ang mga nailigtas na biktima.

—-