Panibagong kaso ng pagkamatay ng kadete ng PMA ikinabahala ng Malacañang

0
24

Ikinababahala ng Malacañang sa panibagong kaso ng pagkamatay ng isang pang kadete ng Philippine Military Academy (PMA).

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, nakahihinayang na maaaring maging pinakamahusay na military officer ang nasawing plebo kung nakapagtapos aniya ito sa kanyang kurso.

Iginiit naman ni Panelo ang pangangailangan ng muling pagsasagawa ng assessment sa ipinatutupad na protocol ng mga swimming instructors ng PMA para na rin sa kaligtasan ng mga estudyante.

Magugunitang, natagpuan ang wala nang buhay na katawan ni Cadet 4th Class Mario Telan Jr. sa ilalim ng labing limang talampakang swimming pool ng PMA matapos dumalo sa kanyang swimming class noong Biyernes, Nobyembre 8.