Duterte at Misuari muling nagpulong sa Malacañang

0
21

Muling nagkapulong sina Pangulong Rodrigo Duterte at Moro National Liberation Front (MNLF) Founding Chairman Nur Misuari.

Batay sa ibinahaging impormasyon ni Senador Bong Go, ginanap ang pagpupulong ng dalawa sa loob ng Malakanyang pasado 7 p.m. kagabi, Nobyembre 11.

Napagkasunduan naman nina Pangulong Duterte at Misuari ang pagbuo ng Peace Coordinating Committee sa pagitan ng pamahalaan at MNLF.

Samantala, nakatakdang muling magpulong ang dalawa sa Davao City sa susunod na buwan.