Pangulong Rodrigo Duterte binunyag na malapit na sa Stage 1 cancer ang kanyang Barrett’s esophagus

0
27

Binunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang naging talumpati na inere kahapon na sinabihan siya ng kaniyang doktor na ang kasalukuyan niyang Barrett’s esophagus ay malapit na sa Stage one cancer.

Ayon pa sa pangulo pinapayuhan rin siyang huminto sa pag-inom ng alak upang hindi na lumala ang kanyang karamdaman.

Matatandaan na una nang inamin noon ng pangulo sa kanyang mga talumpati na mayroon siyang myasthenia gravis, Buerger’s disease, acid reflux, Barrett’s esophagus, at maging spinal issues.

Matagal na kami sa gobyerno, magpa-retire na lang, bakit pa namin pagsayangan? Kakaunting panahon na lang ang naiwan so wala nang ganang kumain. May pera ka naman, hindi ka na makakain kaya sabi ng doktor huwag kang kumain ng taba kasi mamatay ka, ikaw Duterte, huwag ka nang uminom kasi ‘yang Barrett mo nearing stage one ka sa cancer. ani Duterte

Sa ngayon ay nananatili parin si Pangulong Duterte sa kanyang tahanan sa Davao.

Magugunitang una nang pinabulaanan ng Malakanyang ang kumakalat kamakailan na mga balitang paglipad umano ng pangulo patungong Singapore para sa isang emergency treatment.