Pangulong Duterte suko na sa problema sa trapiko sa EDSA

0
66

Suko na si Pangulong Rodrigo Duterte sa problema sa trapiko sa EDSA.

Sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng solar power sa Romblon, isinisisi ni Pangulong Duterte sa isang babaeng politiko ang kabiguan ng pamahalaan na matugunan ang problema sa trapiko.

Tinawag pa ng pangulo na “atribida” ang hindi niya pinangalanang babae matapos na hadlangan aniya nito ang hirit na karagdagang pondo ng pamahalaan para maresolba ng problema sa EDSA.

Magugunitang, pinangunahan ni Senadora Grace Poe ang Committee on Public Services na nagsagawa ng pagdinig kaugnay ng usapin sa pagbibigay ng emergency powers sa pangulo bilang solusyon sa problema sa trapiko.

‘’When the administration if it was Tugade or…, we need to borrow for EDSA because we need money to just even move one store there. So ang hinihingi nila, emergency powers. But, here comes a lady, atribida ang tawag ko diyan eh, it’s good to be honest, it’s good to be a crusading public official, no doubt about it, you will be appreciated. But kung sumobra ka and you think that all elected officials in government are corrupt over there, sabi ko ‘’kung ganon ang pag iisip ninyo, wag na.’’ — Pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.