Friday, May 17, 2024

Noynoy Aquino hindi nakadalo sa programa para sa Ninoy Aquino Day kahapon

- Advertisement -

Hindi nakadalo si dating pangulong Noynoy Aquino sa programa para sa paggunita ng ika- 33rd anibersaryo ng kamatayan ng kanyang ama na si dating senador Benigno ‘’Ninoy’’ Aquino Jr sa Manila Memorial Park sa Parañaque.

Ayon sa kapatid ng dating pangulo na si Kris Aquino, masama ang pakiramdam ng kanyang kuya kaya wala ito sa okasyon.

Dagdag ni Kris, naging mahirap para sa kanyang kapatid ang nakalipas na tatlong taon matapos ang panunungkulan nito bilang pangulo.

Naki-usap din si Kris sa mga kritiko ni dating pangulong Noynoy Aquino na tigilan na ito habang nanawagan naman siya sa mga nakinabang noon sa kapatid na ipagtanggol ito.

Magugunitang nahaharap sa ilang kasong may kaugnayan sa Mamasapano insident at paggamit ng dengvaxia ang dating pangulo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -