Pangulong Duterte pinangunahan ang Christmas tree lighting sa Palasyo

0
48

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tradisyunal na Christmas tree lighting sa Kalayaan Grounds sa Malakanyang kasabay ng pagbibigay ng P50,000 bonus sa mga empleyado ng Office of the President.

Matapos ang  kanyang talumpati kagabi, ini-anunsyo ni Pangulong Duterte na magbibigay siya ng P30,000 bonus at P10,000 gift check.

Gayunman, itinaas ng pangulo sa P50,000 pesos matapos makausap ang anak na si Davao City Mayor Inday Sara Duterte at mapag-alamang nagbigay din ito ng P50,000 bonus sa mga empleyado sa Davao City Hall.

“Sabi ni Inday bakit naman kayo, Maynila, National Capital 40, ang bigay doon sa Davao 50. So hindi tayo magpalugi sa Davao.” Pahayag ni Duterte.

Samantala, pinaunlakan naman ni Pangulong Duterte ang hiling ng mga empleyado sa Malakanyang na marinig ang kanyang bersyon ng kantang “ikaw” kasama ang Madrigal singers.