Saturday, May 4, 2024

Pangulong Duterte personal na nakiramay sa pamilya ng mga nasawing pulis sa Negros Oriental

- Advertisement -

Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya ng mga nasawing pulis na tinambangan ng mga hinihinalang miyembro ng New Peoples Army o NPA sa Ayungon, Negros Oriental.

Personal na nagtungo si Pangulong Duterte sa Negros Oriental Provincial Police Office o NORPO sa Camp Francisco Fernandez Jr. sa bayan ng sibulan kung saan nakaburol ang mga labi nina Police Corporal Relebert Beronio, Patrolman Raffy Callao, Patrolman Ruel Cabellon at Patrolman Marquino De Leon.

Binigyan naman ng pagkilala ng punong ehekutibo ang kabayanihan ng apat na pulis sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga ito ng order of lapu-lapu at kalasag medal.

Maliban kay Pangulong Duterte, naroon din sina Central Visayas Police Chief Brigadier General Debold Sinas, Education Secretary Leonor Briones at Interior Secretary Eduardo Año.

Una nang sinabi ni Sinas, na base sa kanilang imbestigasyon, lumalabas na labis munang pinahirapan ang kanilang mga kabaro bago tuluyang pinatay.

Ayon kay Sinas, maituturing na isang ‘summary execution” ang paraan ng pagpaslang sa apat na miyembro ng pambansang pulisya.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img