Pangulong Duterte nanguna sa PMA graduation rites

0
50

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatapos ng may dalawandaan at apatnapu’t tatlong mga kadete ng Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio City ngayong araw.

Sinalubong  ang pangulo nila Defense Secretary Delfin Lorenzana at Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Benjamin Madrigal at iba pang mga opisyal ng afp.

Dumalo rin sa naturang okasyon si Vice President Leni Robredo, ilang mga miyembro ng gabinete at ang mga kasalukuyang opisyal ng pamahalaan na alumni din ng PMA.

Ang mga nagsipagtapos ay kabilang sa PMA “Mabalasik” Class of 2019 na pinangungunahan ng ika-5 babaeng valedictorian na si Dionne Mae Umalla na tumanggap ng Presidential Saber Award habang tumanggap ng Vice Presidential Saber Award ang class salutatorian na si Jonathan Mendoza.

Si Umalla ang ika-limang babaeng valedictorian sa PMA makalipas ang isang dekada mula kina Arlene Dela Cruz nuong 1999, Tara Velasco nuong 2003, Andrelee Mojica nuong 2007 at Rovi Mariel Martinez nuong 2017.

—–