Saturday, May 4, 2024

Bilang ng nasawi sa Mt. Everest pumalo na sa 18

- Advertisement -

Pumalo na sa 18 katao, ang kabuuang bilang ng nasawi dahil sa pag-akyat sa Mt. Everest, ngayong taon.

Ito ay matapos masawi ang isang 41-0year-old na British national, kahapon.

Batay sa inisyal na report ng mga otoridad, nakilala ang biktima bilang si Robin Fisher, kung saan natagpuan ang bangkay nito sa “death zone” ng naturang bundok, kung saan ito ang bahagi ng Mt. Everest na may pinaka-mababang oxygen level.

Samantala, nasawi rin ang tatlong indian national at isa nitong Nepali guide, nito lamang nakaraang linggo dahil sa “extreme dehydration”.

Ngayong taon ay nagkapag-isyu ang Nepal ng halos 400 permit para sa mga mountain climbers.

—–
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img