Wednesday, May 1, 2024

Pangulong Duterte nanawagan sa mga Moro na magkaisa kontra ISIS

- Advertisement -

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Moro sa Mindanao na magkaisa upang labanan ang teroristang Islamic State.

Ito ang panawagan ng Pangulo kasabay ng paghikayat sa mga Moro na makibahagi sa plebisito at suportahan ang Bangsamoro Organic Law (BOL).

Sa peace assembly sa Cotabato City, binigyang diin ni Pangulong Duterte na walang ibang alam ang mga ISIS kundi maghasik ng karahasan at kumitil ng buhay .

Ayon sa Punong Ehekutibo, ito na ang pagkakataon upang ipakita ng mga taga-Mindanao ang pagpupursige upang makamit ang kapayapaan at wakasan ang terorismong dala ng mga bandidong grupo sa pamamagitan ng plebisito.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img