Mock election sa South Cotabato naging mapayapa–COMELEC

0
53

Ikinalugod ng Commission on Elections o COMELEC ang matagumpay na mock elections sa ilang polling precincts sa Koronadal City, South Cotabato.

Ayon sa COMELEC, maayos at walang naging aberya na nangyari sa isinagawang aktibidad taliwas sa naranasang problema sa ilang polling precincts.

Sinaksihan pa ng ilang kandidato at residente ang inilunsad na mapayapang mock election.

Kampante naman ang poll body na wala nang magiging aberya sa midterm elections sa Mayo 13 dahil gumana naman lahat ng makinang ginamit sa isinagawang aktibidad.

—-