36 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Pangulong Duterte muling binanatan ang mga obispo

- Advertisement -

Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga obispo lalo ang mga kritiko ng kanyang administrasyon partikular ang war on drugs.

Sa kanyang talumpati sa pagpapasinaya ng Mella Hotel Marker sa Las Piñas City, nanindigan Si Pangulong Duterte na wala namang masama kung ipinawagan niyang patayin ang mga obispo.

Tinutukoy ng pangulo si Father Noel Gatchalian na nagbiro sa kanyang misa na dapat ipanalangin na magkasakit o mamatay si Duterte.

“Sabi ko, ‘patayin mo ‘yang mga obispo na ‘yan.’ Kung sila mismo sa misa nila, in a mass there — I think it was Trillanes who was there. Sabi ng pari, ‘Sana mamatay na ito si Duterte, Kung kayong mga pari, mga obispo, mga p***** i** kayo, if you can say that to me, wish me to die in a mass, eh bakit ako hindi makasalita? ‘Di kayo rin. Sino man maniwala na magpunta kayo ng langit? You’re dreaming. Lahat tayo magkita-kita sa impiyerno, kabaklaan ninyong mga p***** i** kayo. Eighty-five percent of them are homosexual. Alam ninyo ‘yan.” Pahayag ni Duterte.

Samantala, pinatutsadahan din ni Pangulong Duterte ang ilang obispo na mayroong anak at may-asawa na hindi naman anya maitatago sa mata ng publiko.


Pope Francis pinapurihan ni Pangulong Duterte

Pinapurihan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte si Pope Francis na dati na niyang binatikos at minura.

Ito’y sa kabila ng kaliwa’t kanang banat ng pangulo sa Simbahang Katolika partikular sa mga obispo sa Pilipinas.

Sa kanyang talumpati sa pagpapasinaya ng Mella Hotel Marker sa Las Piñas City, inihayag ni Pangulong Duterte na hanga siya sa mga pagbabagong isinusulong ng Santo Papa.

Gayunman, tila hindi pa rin naresolba ng vatican kahit ng mga dating Santo Papa ang mga kontrobersyang kinakaharap ng pari at obispo gaya ng home-sexuality at child abuse.

“Itong Pope ngayon na ito progressive ito…diyan bilib ako, saludo ako sayo. Pero yung nauna, anotrher scandal growing now because of homosexuality.” Pahayag ni Duterte.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -