Thursday, May 2, 2024

Mga cabinet member todo suporta kay Sec. Diokno

- Advertisement -

Todo-suporta ang mga kapwa cabinet member ni Budget Secretary Benjamin Diokno sa gitna ng panawagan ng mga kongresista kay Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin na sa pwesto ang kalihim.

Kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea na nagpadala ng mga liham ang mga miyembro ng gabinete na naka-address kay pangulong duterte bilang suporta kay Diokno.

Kabilang sa mga nagpadala ng liham sina secretaries Carlos Dominguez ng DOF, Arthur Tugade ng DOTr, Bernadette Romulo-Puyat ng DOT at Eduaro Año ng DILG.

Ipinagtanggol ng mga cabinet member ang kanilang kapwa kalihim at umaapela kay Pangulong Duterte na pag-isipang mabuti ang resolusyong inilabas ng Kamara na nananawagang sibakin sa pwesto si Diokno.

Iginiit ng mga miyembro ng gabinete na ang congressional resolution ay isang malinaw na paglabag sa “separation of powers” ng ehekutibo at lehislatura dahil sa tila  “biased” at paspasang  “question hour” noong Miyerkules.

Nanindigan din ang mga cabinet member na politically motivated ang ginawa ng mga kongresista sa pangunguna ni House Majority Floor Leader at Camarines Sur 1st District Rep. Rolando andaya.

Lehitimo anila at para sa interes ng bayan ang ginawa ni Diokno at naniniwala sila sa integridad ng kanilang kapwa kalihim.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img