Pangulong Duterte may napili nang susunod na CJ ng SC

0
48

May napili nang bagong chief justice ng Korte Suprema si Pangulong Rodrigo Duterte kapalit ng nagretirong si Chief Justice Teresita Leonardo De Castro.

Ito ang kinumpirma mismo ni Pangulong Duterte sa kanyang pagharap sa media matapos ng pagpapasinaya sa bagong Bohol Panglao-International Airport (BPIA).

Gayunman hindi na pinangalanan ng pangulo kung sino ang kanyang napili mula sa limang senior associate justices na nasa shortlist ng Judicial and Bar Council (JBC).

Binigyang diin naman ni Pangulong Duterte na seniority ang isa sa kanyang ikinunsidera sa ginawang pagpapasiya.

Magugunitang, inanunsyo ni JBC ex-officio member at Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra noong Nobyembre 23 na kabilang sa mga pinagpipilian ang limang senior associate justices ng Suprema Court na sina Antonio Carpio,  Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Estela Perlas-Bernabe at Andres Reyes Jr.