28.7 C
Manila
Monday, April 22, 2024

Duterte sa mga Chinese illegal workers: Tama lamang na ipa-deport

- Advertisement -

Tama lamang na ipa-deport palabas ng bansa ang mga Chinese na iligal na nagtatrabaho sa Pilipinas.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng ginawang imbestigasyon ng Senado kaugnay ng pagdami ng mga Chinese workers sa bansa.

Gayunman, binigyang diin ng pangulo na dapat pa rin maging maingat at masusi ang isasagawang imbestigasyon sa usapin lalo’t posible rin itong makaapekto sa mga Filipinong manggagawa at turista sa China.

Dagdag ng pangulo, wala ring ipina-dedeport na Filipino Illegal workers ang China sa kanilang bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -