28.4 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

CA ipinatitigil ang mediation talks ng NHA at developer kaugnay sa ‘Smokey Mountain Project’

- Advertisement -

Ipinatitigil ng Court of Appeals (CA) ang mediation talks sa pagitan ng National Housing Authority (NHA) at sa developer ng kontrobersiyal na Smokey Mountain Project sa Tondo, Manila.

Ito ay matapos magbabala ng Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) na posibleng may anomalya sa mahigit P1 billion na hihinging claim ng R-II Builders na developer nang nabanggit na pabahay sa Smokey Mountain.

Ibinababa ng CA ang kautusan na ito sa gitna ng gulo sa pagitan ng mga opisyal ng unyon ng n.h.a at mga senior executives nito na nagnanais patalsikin si NHA General Manager Marcelino Escalada na sinasabing kabilang sa grupo ng sinibak na si Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) Secretary General Falconi Millar.

Matatandaang, sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte si Millar noong nakaraang linggo dahil sa isyu ng katiwalian.

Nauna naman inirekumenda ng OGCC sa NHA na ipagpaliban ang mediation sa R-II Builders matapos madiskubre na sumobra ng P300 million ang kompensasyong ibinayad sa R-II Builders.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -