Pangulong Duterte may napili nang magiging pinuno ng PhilHealth

0
43

May napili na ang Pangulong Rodrigo Duterte para maging pinuno ng PhilHealth.

Ipinabatid ito ni dating special assistant to the president ngayo’y Senator-elect Christopher “Bong” Go sa gitna rin ng kontrobersyang kinakaharap ng PhilHealth matapos mabunyag ang PhilHealth dialysis scam.

Si Dr. Jaime T. Cruz na isang medical doctor ay may-ari ng chain of restaurants hindi lamang dito sa Metro Manila kundi maging sa Davao City.

Gayunman, wala pa umanong sagot si Cruz sa nasabing alok na pamunuan ang PhilHealth.

with report from Jopel Pelenio (Patrol 17)