Mas malakas pa si Pangulong Rodrigo Duterte sa kalabaw.
Ito ang naging pagdepensa ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go kaugnay ng mga kumukuwestiyon sa lagay ng kalusugan ng Pangulong Duterte.
Ayon kay Go, nasa mabuti ang estado ng kalusugan ng pangulo, at wala itong ini-indang malalang sakit.
Sinabi ng Senador, walang dapat na ipag-alala hinggil sa kalusugan ng pangulo ngunit dapat aniyang ikunsidera ng publiko ang edad nito.
Aniya, ito ang dahilan kung bakit bantay sarado ng Presidential Security Group at ng mga doktor ang Pangulong Duterte upang matiyak na hindi na lalala pa ang kalagayan nito.
Kaugnay nito, nanindigan naman si Go na walang dapat na ipagalala ang publiko dahil kaya pa rin gampanan ng pangulo ang kaniyang mga tungkulin bilang presidente ng Pilipinas.