Friday, May 3, 2024

Pangulong Duterte kuntento kay Cayetano bilang pinuno ng kamara —Roque

- Advertisement -

Kuntento na umano si Pangulong Rodrigo Duterte kay House Speaker Alan Peter Cayetano bilang pinuno ng Mababang Kapulungan.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang panayam nito sa MindaVote na isang online outlet.

Ayon kay Roque, tila hindi pa umano napapanahon ang pagpapalit ng liderato sa kamara lalo na’t kung mapupunta lamang ito sa mga baguhan at walang sapat na karanasan at track record.

Aniya, masaya na ang pangulo sa pamumuno ni Cayetano kasunod na rin ng mabilis na pagpapasa ng pambansang pondo para sa 2020 at mabilis na pagpasa sa mga batas gaya ng Bayanihan 1 at Bayanihan 2 na kinakailangan sa pagtugon ng pamahalaan sa pandemyang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Dagdag pa ni Roque, maging ang mga revenue-generating at tax reform bills na prayoridad ng pangulo ay mabilis na naaksyunan ng kamara sa ilalim ng pamumuno ni Cayetano.

Samantala, inamin naman ni Roque na maaaring magkaroon ng problema si Velasco dahil sa kakulangan nito ng karanasan at hindi sapat na track record, lalo na’t kinakailangan ito upang makagawa aniya ng pagkakasunduan sa mga miyembro ng kamara.

Hindi rin aniya gaanong kilala ni Pangulong Duterte si Velasco lalo na noong nag-uumpisa pa lamang ang termino nito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img