28.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Pangulong Duterte inako ang sisi sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin

- Advertisement -

Inako ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sisi sa pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin sa bansa.

Ayon sa pangulo, hindi niya ibabato ang sisi sa iba dahil bilang presidente, resposibilidad niyang resolbahin ang problemang ito.

Aminado ang punong ehekutibo na wala siyang magawa para pigilan ang pagsipa ng inflation dahil resulta ito ng napakataas na presyo ng mga produktong petrolyo sa world market na hindi aniya kontrolado ng pamahalaan.

Ngunit siniguro ni Pangulong Duterte na kahit hindi niya makontrol ang pagtaas ng mga bilihin, ginagawa naman aniya ng administrasyon ang lahat para maresolba ang naturang isyu kasabay ng mahigpit na paglaban sa kurapsiyon na isa rin sa mga nagpapahirap sa bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -