31.8 C
Manila
Friday, April 12, 2024

Palasyo tiniyak na kakasuhan ang mga nagtatangkang pabagsakin si Pangulong Duterte

- Advertisement -

Siniguro ng Palasyo na sasampahan ng kaso ng pamahalaan ang mga nagpa-plano na pabagsakin ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang na dito ang ilang mga nasa Partido Liberal na una nang idinawit sa red october plot.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi pa rin cleared ang Partido Liberal sa destabilization plot taliwas sa pahayag ni Senador Kiko Pangilinan.

Giit ni Roque, tuloy-tuloy ang ginagawang pagsisiyasat sa mga intel report na kanilang natatanggap at sa sandaling mapatunayan na sangkot sa red october plot ang ilang personalidad mula sa Liberal Party, agad nilang sasampahan ng kaso ang mga ito.

Bagamat naririyan pa aniya ang banta ng destabilisasyon, naniniwala si Roque na hindi ito magtatagumpay dahil sa kawalan ng suporta mula sa taumbayan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -