Pangulong Duterte iginiit na walang kinalaman sa kasong isinampa vs. Chinese President Xi Jinping sa ICC

0
53

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mataas na opisyal ng China na walang kinalaman ang kaniyang administrasyon sa mga kasong isinampa laban kay Chinese President Xi Jinping.

Ito ay kaugnay nang isinampang kaso nina dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales at dating Foreign Affairs Sec. Albert Del Rosario kay Xi sa International Criminal Court (ICC) kaugnay nang pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Sa isinagawang courtesy call sa Davao City, nilinaw ni Pangulong Duterte kay Minister Song Tao ng International Department ng Chinese Communist Party, na kusang loob na naghain ng kaso ang mga dating opisyal ng Pilipinas.

Aniya, umiiral ang demokrasya sa bansa kaya’t wala siyang magagawa upang pigilan ang mga ito.

Una rito, iginiit naman ni Carpio-Morales na hindi sila umaasa sa positibong desisyon mula sa ICC bagkus ay nais lamang nilang ipakita sa China na handa ang mga Pilipino na manindigan para sa teritoryo ng Pilipinas.