Lacson hinimok ang DDB na i-prepara na ang survey kaugnay sa iligal na droga

0
58

Hinimok ni Senator Panfilo Lacson ang Dangerous Drugs Board (DDB) na i-prepara na ang isasagawa nitong survey hinggil sa paggamit ng iligal na droga sa bansa.

Ayon kay Lacson, dapat nang i-handa ng DDB ang nasabing survey, ngayong pirma na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kailangan upang maipasa na ang panukalang pambansang pondo.

Aniya, nasa P70 million ang ipinalaan ng DDB para sa isasagawa nitong survey na kabilang sa P3.7 trillion na proposed General Appropriations Act.

Kaugnay nito, binigyang diin rin naman ni Lacson na sa pamamagitan lamang ng survey na ito matutukoy kung epektibo nga ba ang war on drugs ng pamahalaan.