Saturday, May 18, 2024

Pangulong Duterte hindi patitinag sa China sa usapin sa West PH Sea

- Advertisement -

Hindi patitinag si Pangulong Rodrigo Duterte sa naging paggiit ng China na hindi nito kikilalanin ang pag pabor ng Permanent Court of Arbitration sa Pilipinas sa usapin sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, desidido ang pangulo na igiit ang naging ruling sa magiging pagbisita niya sa China ngayong buwan.

Aniya, kung talagang totoo ang pagkakaibigan ng dalawang partido ay walang masamang pag usapan ang agawan ng teritoryo.

Una nang sinabi ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua na hindi kinikilala ng China ang naging ruling ng international court at duda silang bubuksan ng pangulo ang naturang usapin.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -