Comelec bukas para sa mga gustong magparehistro ngayong araw

0
57

Tuloy-tuloy ang voter’s registration sa Commission on Elections (Comelec) kahit na idineklarang regular holiday ngayong araw.

Idineklara ng Malakanyang na regular holiday ang araw na ito, August 12, dahil ginugunita ng mga Filipino Muslims ang Eid’l Adha.

Ayon sa Comelec, bukas ang kanilang tanggapan sa mga magpaparehistro at magbabago ng detalye sa kanilang registration hanggang 5 pm.

Sa panulat ni Jezrel Santillan.