Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pa siya nakapipili ng itatalagang pinaka-unang kalihim ng DHSUD o Department of Human Settlement and Urban Development.
Matatandaang, kamakailan lamang nang lagdaan ni Pangulong Duterte ang isang batas na nagtatag sa nasabing departamento, kung saan pinagsama na ang Housing and Urban Development Coordinating Council at ang Housing and Land Use Regulatory Board.
Ayon sa Pangulong Duterte, nais niyang matiyak na ang taong uupo sa nasabing pwesto ay may kakayanan na gampanan ang kaniyang trabaho.
Kasabay nito, inihayag naman ng pangulo na kailangan pa rin niyang i-konsulta ang kaniyang desisyon kina House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, at Senate President Vicente Sotto III.