Pangulong Duterte hindi nakadalo sa pagdiriwang ng National Heroes Day

0
47

Hindi nakadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdiriwang ng National Heroes’ Day sa libingan ng mga bayani kahapon.

Ayon kay Senador Bong Go, masama ang pakiramdam ng Pangulo dahil sa dami ng trabaho nito at kinakailangang magpahinga bilang paghahanda na rin sa biyahe niya patungong China.

Gayunman tiniyak ng Senador na walang dapat ipag-alala ang publiko sa kalusugan ng Pangulo.

Dahil dito, kinatawan ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang Pangulo sa pagdiriwang sa libing ng mga bayani.

Sa ipinadalang mensahe ng Pangulo na binasa ni Cayetano, nanawagan ito sa sambayanan na isantabi muna ang hindi pagkakaunawaan at magsama-sama sa paghubog ng masaganang henerasyon.