Ilang lugar sa bansa suspendido na ang klase

0
52

Ilang mga lugar sa bansa ang nag-anunsyo na ng suspensyon ng klase ngayong araw.

Ito ay bunsod ng inaasahang sama ng panahon sa ilang bahagi ng bansa dala ng Bagyong Jenny.

Kabilang sa mga nagdeklara ng suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan ang buong lalawigan ng Cavite, Nasugbo Batangas, Pililia at Tanay Rizal, Lingayen Pangsinan.

Gayundin ang mga bayan ng Almeria, Biliran, Cabucgayan, Caibiran, Culaba, Kawayan at Naval sa Biliran Eastern Visayas.

Wala namang pasok sa preschool sa Baguio City, Hilagang Quezon at San Jose, Nueva Ecija habang hanggang Senior High School sa buong Pangasinan maliban sa Lingayen.