Pangulong Duterte hindi manghihimasok sa pagpili ng house speaker sa 18th Congress

0
45

Muling tiniyak ng Palasyo na walang balak manghimasok si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpili ng magiging house speaker sa 18th Congress.

Ito’y makaraang makitang magkasa ang pangulo at si Incoming Leyte Rep. Martin Romualdez na isa sa mga matunog maging speaker.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nagkataon lamang ang pagkikitang iyon ng pangulo at ni Romualdez.

Nagtungo aniya kasi ang dalawa sa lamay ni Sendeng Loo Gaisano na may ari ng Gaisano Mall sa Makati City dahil parehas nila itong kaibigan.

Bukod kay Romualdez, matunog din ang pangalan na magiging speaker sina Incoming Taguig Rep., Alan Peter Cayetano, Marinduque Rep. Lord Alan Velasco at Davao Rep. Pantaloon Alvarez.