Ilan pang kumpaniya ng langis nag abiso na rin ng bigtime rollback sa produktong petrolyo

0
76

Nag-abiso na rin ng bigtime rollback sa kanilang produktong petrolyo ang ilan pang kumpaniya ng langis.

Epektibo kaninang alas 6:00 ng umaga, asahan ang dalawang piso at pitumpung sentimos ang presyo ng kada litro ng diesel.

Habang dalawang piso apatnaput limang sentimos naman sa kada litro ng gasolina.

Ipatutupad ito ng kumpanyang Shell, Petron, Total, Eastern Petroleum, PTT Philippines at Petro Gazz.

Samantala, may rollback din ang Shell at Petron na dalawang piso at animnapung sentimos sa kada litro ng kerosene.

Una nang nagpatupad ng rollback ang Seaoil at Phoenix Petroleum.