Saturday, May 4, 2024

Pangulong Duterte dumating na sa Japan  

- Advertisement -

Nakarating na sa Japan ang Pangulong Rodrigo Duterte kung saan ito dadalo sa international business forum at makikipag-pulong kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe.

Ang eroplanong sinakyan ng pangulo ay lumapag sa Haneda International Airport mag a alas diyes kagabi, oras sa Japan o mag a alas nueve naman ng gabi dito sa Pilipinas.

Ito na ang ikatlong pagbisita ng pangulo sa Japan bilang presidente ng Pilipinas.

Ang pangulo ay sinalubong nina Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel V at Deputy Chief of Mission Eduardo Meniez gayundin sina Japanese Foreign Minister Toshiko Abe at Japanese Ambassador to the Philippine Koji Haneda.

Bahagi ng apat na araw na working visit ng pangulo sa japan ang kaniyang partisipasyon bilang keynote speaker sa 25th International Conference on the Future of Asia ng Nikkei mula May 30 hanggang 31.

Ibibida ng pangulo ang kaniyang accomplishments o tagumpay sa Pilipinas pati na ang mga isinusulong na foreign policy thrusts ng bansa.

Sa kaniyang departure statement bago tumulak pa Japan, sinabi ng pangulo na ilalabas din niya sa kaniyang keynote address ang kaniyang insights kaugnay sa regional at global development.

Nakatakdang magkaruon ng bilateral meeting ang pangulo kay Abe at makasama ang mga miyembro ng Filipino community.

Ayon sa datos ng Department of Foreign Affairs, nasa halos 300 mga Pilipino ang nagtatrabaho sa Japan.

—–
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img