Monday, May 6, 2024

Pangulong Duterte dadalo na sa turnover ng Balangiga Bells sa Eastern Samar  

- Advertisement -

Personal na dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa turnover ceremony ng Balangiga Bells sa Balangiga, Eastern Samar.

Taliwas ito sa naging unang pahayag ng pangulo na hindi siya makadadalo dahil mayroon siyang importanteng bagay na kailangang gampanan bilang pangulo ng bansa.

Ayon kay Spokesperson Salvador Panelo, binago ng pangulo ang kanyang mga nakatakdang aktibidad dahil sa patuloy na kahilingan ng mga residente ng Eastern Samar na samahan ang kanilang komunidad sa turnover ceremony ng mga makasaysayang kampana.

Gaganapin ang naturang seremonya sa darating na Sabado, ikalabing-lima ng Disyembre.

Kilala ang pangulo sa kanyang pabago-bagong desisyon dahil na rin sa kanyang mga nakapilang gampanin bilang pinuno ng bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img