Pangulong Duterte balik bansa na

0
48

Nakabalik na sa bansa si Pangulong Rodrigo Duterte matapos dumalo sa Belt and Road Forum sa Beijing, China at makipagpulong sa mga opisyal ng Chinese government.

Lumapag sa Davao City ang eroplanong sinakyan ng pangulo pasado alas dose ng hatinggabi kanina.

Hindi na nagbigay ng kanyang arrival speech ang pangulo nang dumating ito sa Davao International Airport na agad sumakay ng chopper pauwi sa kanyang bahay.

Una nang napaulat na ikinatuwa ni Pangulong Duterte ang mga nalagdaang investment agreements sa pagitan ng Philippines at Chinese businessmen na aabot sa mahigit $12 billion.

—–