BOC handang ibalik sa Canada ang basurang itinapon nito sa PH

0
42

Handa na ang Bureau of Customs (BOC) na itapon pabalik sa Canada ang basurang itinambak nito sa Pilipinas, anim na taon na ang nakalilipas.

Ayon kay BOC Spokesperson Erastus Austria, hindi naman aniya provided na isho-shoulder ang expenses ng importer o ng ibang bansa kung saan nanggaling ang basura.

Ginawa ng Customs official ang pahayag matapos magbanta si Pangulong Rodrigo Duterte magdedeklara sya ng giyera laban sa Canada kapag hindi nito kinuha pabalik sa kanilang bansa ang basurang itinapon nila sa Pilipinas.

Matatandaang agad na tumugon ang Canadian Embassy sa matapang na pahayag na ito ng pangulo, kungsaan sinabi nitong pinag-aaralan na umano nila kung paano maibabalik sa Canada ang mga naturang basura.

Ngunit hindi naman kuntento ang Malakanyang sa naging sagot ng Canadian government dahil sa hindi nito nilinaw kung kailan kukunin ang 50 containers ng mga waste material na ipinasok nila sa bansa noong 2013.

—–